Wala kang ingat! Maghuhugas ka na ngalang ng pinggan, nagbabasag ka pa!
Kaawa-awa ang batang si Juan, ulila sya sa ama at ina. Nakatira sya sa kanyang tiyo at tiya.
Kung maaari kunin niyo na po ako! Hirap na hirap na po ako!
Mga pilyo, tamad at masasama ang mga ugali ang kanyang mga anak. Malupit sila kay Juan, sinisigawan, pinapalo, at pinagtatawanan mila si Juan kapag nagkakamali ito. Pakwan ang kanilang tawag na ibig-sabihin ay "Pangit si Juan". Malaki ang ulo, mapupula ang labi at ang itim ng ngipin.
Ngunit masipag at matulungin si Juan. Nagtatrabaho sya sa bahay sa buong maghapon, naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata at nagliligpit ng kinainan. Minsan, nabasag ang platong hinugasan ni Juan. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan.
Galit na galit si Juan, umiiyak sya at nanalangin sa Panginoon. Dumilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan, kumidlat at kumulog.
Kinabukasan di na nakita si Juan. Sa halip isang halaman, may bunga sing bilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga singpula ng mga labi ng laman nito at sing itim ng ngipin ni Juan ang mga buto. Nagsisi ang kanyang mga pinsan "Juan, sana mapatawad mo kami!" ang sabi nila sa sarili.
Inalagaan nila ang halaman, tinawag nila itong Pakwan. Sa paglipas ng mga araw Pakwan na ang tawag sa halaman, iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov