Panahon ng pandemya noong napagdesisyonan ng aking ina na tanggapin ang alok sa kanya na magtrabaho bilang katulong sa bahay ng aking pinsan sa Naga City. Sinama niya ako upang makatulong sa kanya
Sa wakas nakalabas na rin sa bahay. Excited na ako makita ang bahay nila. Ang tahimik ng paligid
Parang gusto ko na umuwi sa bahay, miss ko na ang mga kapatid ko. Kailan kaya ako makakauwi.
Ilang buwan na ang lumipas simula ng pumunta kami sa Naga para magtrabaho. Hindi kami basta basta pwedeng umuwi noon at magcommute sa pampublikong sasakyan dahil sa Covid.
Ilang buwan pa ang lumipas ng tumawag ang aking kapatid at ibinalita na idinala ang aking ama sa hospital.Sinabi niya na ilang araw na daw umiinom ng alak kahit wala pa itong kain kaya nagsususuka ng dugo.
ha? Anong nangyari ki papa? Bakit?
Bakit? Ano daw?!Sabi ko kasi wag ng mag-iiinom at kagagaling niya lang sa sakit niyang tubercolosis
Ano?! Wala na si papa?! 😭
Mayamaya ay tumawag ulit siya upang ibalita ang isang nakakalungkot na pangyayari.
Panginoon, kung ito ang kalooban mo na maganap, tatangapin ko. Masakit man sa aking damdamin na hindi man lamang nasilayan ang aking ama kahit sa huling pagkakataon.
Pumasok ako sa kwarto namin at doon binuhos ang aking mga luha. Nanalangin ako sa Panginoon.
Gusto ko ng makauwi agad at makita ang aking ama.
Mayamaya ay napagdesisyunan namin na umuwi kaagad upang asikasuhin ang labi ng aking ama.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov