Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina.
NOON
Ulilang lubos si Basilio at nagtungo sa Maynila, kung kani-kanino siya upang manilbihan. Siya'y may sakit, gula-gulanit ang damit at wala ni isang tumatanggap sa kanya.
Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila.
Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran.
NOON
Hindi naging hadlang ang ginawang pagtrato ng mga guro’t kamag aral.Nagsikap siya at nag-aral ng mabuti, lahat ng aralin ay kinabisado niyang mabuti ultimo tuldok at kudlit.Naipasa niya ang pasalitang pagsusulit na halos hindi tumitigil at humihinga sa pagsasalita.Walang gatol at walang pagkakamali siya sa pagsaulo at pagbibigkas ng mga leksiyon sa harap ng klase.
Huling taon na niya ng pag-aaral at dalawang buwan na lamang ay magtatapos na siya at tatanghaling isang tunay na manggagamot.Naisipan niyang bumalik sa San Diego at pakasalan si Juli upang mamuhay ng tahimik at maligaya.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov