Si Mathilde Loisel ay isang napakagandang babae. Siya ay nakapangasawa ng tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko. Simple lang ang kanilang pamumuhay ngunit hindi nasisiyahan si Mathilde dito. Gusto ni Mathilde ang mga mararangya na kagamitan na katulad ng mga taong matataas ang katayuan sa lipunan.
Napakapurol ng aking buhay... nasaan ba ang kaligayahan?
Isang gabi, umuwi si G. Loisel. Nagagalak siya ng inabot nya kay Mathilde ang paanyaya. Kasalungat sa kanyang inaasahan, hindi natuwa si Mathilde. Imbes, padabog na hinagis ni Mathilde ang imbitasyon sa mesa.
“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang na malibangka.
“Ano ang isasampay ko sa akinglikod? Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang iyan.
Gumawa ng paraan si G. Loisel upang makabili ng bagong damit para kay Mathilde habang humiram naman si Mathilde ng kuwintas mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Madame Forestier. Kaya nang dumating na ang araw ng pagdiriwang, si Mathilde ay higit sa ganda, rangya, at pagiging kahali-halina kumpara sa lahat ng mga babae.
Napakaganda mo! Ang ganda naman ng kuwintas mo!
Matapos ang masayang pagdiriwang, nawala ni Mathilde ang kuwintas. Nabigo sa paghahanap ang mag-asawang Loisel, kaya humanap na lamang sila ng kapalit na katulad sa nawalang kuwintas. Sobrang mahal ng kapalit na kuwintas kung kaya ay napilitan silang mangutang. Dahil dito, naghirap sila sa pagtatrabaho ng sampung taon upang mabayaran ang kanilang mga utang.
Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko.... Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa katulad naming mahirap ang gayongbagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay galak na galak na ako.”
Isang araw, nakasalubong ni Mathilde si Madame Forestier habang siya ay naglalakad sa Champ Elysees. Magiliw niya itong binati ngunit hindi sya kaagad na nakilala ni Madame Forestier. Nagtaka si Madame Forestier kung bakit hindi nya agad nakilala si Mathilde. Kaya nakwento ni Mathilde kung paano niya nawala ang kuwintas , ang kanilang pagdurusa at sari-saring problema na naranasan.
Hindi inaasahan ni Madame Forestier ang mga bagay at pangyayari na natuklasan niya sa araw na iyon.
O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang,puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov