Narinig niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang dahil sa wala na silang pera. Tinakpan na lamang niya ang kanyang tainga dahil may pasok pa siya sa paaralan.
Kailan kaya kita maabot?
Nakatapos siya ng sekondarya at hindi nya ito sinabi sa kanyang mga magulang.
Dahil palaging lasing ang kanyang tatay at nasa sugalan naman ang kanyang ina.
Nakatapos siya ng kolehiyo sa kursong BSED- Filipino nakakuha ng may mataas na pagkilala sa paaralang pinagtapusan. Masaya at nabigla ang kanyang mga magulang ng makita na siya ay nakatapos ng pag-aaral.Kinabukasan agad siyang nagtrabaho at nagrerebyu upang kumuha ng pag-susulit sa guro,
Sa hindi inaasahan tila isang kalabog ang gumimbal sa kanyang pagkakahimbing isang sigaw na hindi inaasahan “Ate!Ate… si tito at tita binaril!” tila huminto ang kanyang mundo sa balitang iyon, dali-dali siyang tumakbo at nakita na nga niyang walang buhay ang kanyang Tatay at Nanay, walang luha kundi pagsisisi ang tanging nasa isip niya,dumaan ang mga araw at lihim na umiiyak sa kwarto.
Sa hindi inaasahan nakapasok siya sa isang pampublikong paaralan kahitwala siyang lisensya, dali-dali niya itong binalita sa kanyang lola kaya ito aymasayang masaya para sa kanya.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari tila bang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang pagkatao dahil samagkasunod na nawala ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ang lungkot at pagdadalamhati ay napalitan ng isang magandang balita dahil siya ay nakapasa na sa pagsusulit upang maging isang ganap ng propesyunal na guro. Sa ngayon patuloy pa din niyang inspirasyon ang kanyang Lola upang maging inspirasyon din ng mga kabataan na hindi hadlang ang pagiging mahirap upang makamit ang pangarap na minimithi.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov