Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.
Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.
Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.
Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.
Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.
Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov