Marahang kumilos ang lumang araro sa gitna ng bukid, Miguel. Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
"Sana nga anak, harinawa nga."
"Huwag kayong lalabas, ako ang bahala”
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyangkuya Lito.
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
"Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkatito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran."
Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit,umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa,tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov