Vyhľadávanie
  • Vyhľadávanie
  • Moje Príbehy

Unknown Story

Vytvorte Storyboard
Skopírujte tento Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Vytvorte si vlastný Storyboard

Vyskúšajte to zadarmo!

Vytvorte si vlastný Storyboard

Vyskúšajte to zadarmo!

Text z Príbehu

  • Isang magandang hapon, nag punta ang mag ina sa bilihan ng damit dahil nag aya ang mama ni Cara. Si Cara ay isang pawang estudyante lamang na mulat sa reyalidad at may pag iisip na sa edad na labing lima.
  • Nak, pili ka ng damit wala ka nang masyado nasusuot pang labas
  • Huwag na ma, kumain na lang po tayo. Marami pa naman po akong damit sa bahay at minsan lang naman po ako umalis.
  • Nagugutom ka na ba? saan mo gusto kumain?
  • Pumayag ang ina dahil iniisip na nakakaramdam na ng gutom ang anak at nag tungo papunta sa kainan.
  • Kahit saan po basta mura, pare-pareho lang naman po ng ulam eh.
  • Nag tungo sila sa labas para kumain sa mumurahin dahil iyon ang gusto ni Cara. Saka siya tinanong ng mama niya.
  • Wala ka ba talagang ibang gusto bilhin? tutal ay narito na naman tayo, pwede antin iyon puntahan, Cara.
  • Mayroon naman tayong pang bayad sa bahay at sa iyong personal na pangangailangan, Anak.
  • Hindi na Ma, sa susunod na lang po kapag kailangang kailangan ko na. May bayarin pa po tayo sa bahay na mas kailangan pag tuunan ng pansin kaysa ang mga damit ko pang-alis
  • Alam ko po Mama, pero nakatatak na rin po sa akin ang pag iipon kaysa ang gastusin ang mga nakatabi lalo't mahirap naman po talaga kumita ngayong panahon
  • Nag patuloy ang mag ina sa pag uusap tungkol sa kaisipan ng bata at kung bakit ayaw nito bumili ng ibang personal na kagustuhan.
  • Naiisip mo ba na wala na tayong pera, Anak? Na wala na tayong pambili?
  • Gusto mo bang tumambay sa labas? doon natin ituloy ang ating pag kkwentuhan tungkol dito
  • HIndi po Ma. Huwag po ninyo masamain dahil alam ko naman po ang nangyayari ngayon. Mahirap po kumita sa gitna ng pandemya, sa gitna ng lugar kung saan alam po nating may nakalat na sakit. Iniisip ko lang po na kailangan natin isipin ang mga pangunahing pangangailangang pangkaligtasan at iba pa pong pangangailangan ng Pamilya natin kaysa ang sa mga kagustuhan kong bilhin.
  • Nag lakad-lakad ang mag ina at naupo sa isang upuan upang ituloy ang kanilang pinag uusapan kanina.
  • Hindi mo ba nararamdaman masyado ka pang bata para isipin ang mga bagay na matatanda dapat ang nag aasikaso?
  • Mama, wala naman po sa edad ang pagmumulat sa reyalidad dahil pare-pareho lamang po tayo ng lugar na tinutung-tungan. Alam ko po ang pagkakaiba ng mga bagay na kailangan ko at ang mga bagay na sarili kong kagustuhan lamang, katulad na lamang po ng bayarin sa pag-aaral ko, isa po yon sa mga kailangan ko dahil abante po iyon para sa sarili kong kinabukasan.
  • Maraming salamat, Cara. Ngayon nakikita kong napalaki kita nang maayos at hindi nag kulang ang pag aaruga ko sayo. Salamat anak.
  • Maliit na bagay Mama. Alam ko pong sa pamilya dapat nag tuutlungan, at iniisip ang isa't-isa. Huwag niyo rin po kalilimutan mag ingat sa labas dahil may kumakalat na nakakahawang sakit
  • NATUTUHAN: Maging mulat sa reyalidad at alamin ang mga pangunahing pangangailangan sa kagustuhan. Mag ingat sa labas dahil sa nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Sa comic na ito maipapakita ang pagmamahal ng anak sa magulang dahil sa malalawak na sakripisyo ng ating mga magulag sa atin, kaya ipinakita rito ang nararamdaman ng anak sa kanilang mga tagapag aruga
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov