Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.
Šmykľavka: 2
Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit namaganda kaysa akin?
Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Šmykľavka: 3
Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang mas maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Šmykľavka: 4
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang di-umano ay gagawing dama ng sultana.
Šmykľavka: 5
Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang gilid at doon pinarurusahan.
Šmykľavka: 6
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov