Ang dating pitong-taong gulang na Isagani ay nakapagtapos na ng pag-aaral...
LUMIPAS ANG DALAWANG DEKADA
... At isa ng abogadong tumutulong sa masa, lalong lalo na sa mahihirap — kung saan ako nagsimula.
Ilang buwan na rin ang paghahanda ko sa pagdepensa sa kaso ng agawan ng lupa, dalawampung taon na ang lumipas.
Ang kapatid ko na si Ligaya ang haharap sa korte imbis na ang aming ina na ngayon ay matanda na.
Bilangnakatatandang kapatid, gampanin kong protektahan siya at ang aking ina. Gayon rin ang iba pang magsasaka sa lugar namin na tinatanggalan ng karapatan sa sariling lupa nila.
Habang nagmamaneho patungo sa korte ay napadaan ako sa aming bayan na ngayon ay lungsod na.
Napakaraming nagbago. Marami ang nagawang kalsada, mga imprastraktura, at mga pasyalan.
Maganda, aaminin ko. Sabay sa pagbabago ng panahon ang pagiging mas moderno ng lungsod na ito.Ngunit kung tutuusin, mas gusto ko ang itsura nito dati.
MARAMI MGA PUNO AT HALAMAN ...
MALAMIG ANG SIMOY NG HANGIN ...
NAIS KONG MARANASAN MULI ANG GANDANG TAGLAY NG DATING BAYAN NG KALAYAAN
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov