Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mgananinirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita, ay nagtungo saBinongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Pinatatag nila ang kanilang nayon doon ay nagsimula silangbumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe.
Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat.
Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig.
Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang “maganda” bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.
Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore, sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov