Nagsalita ulit si Hesus sa kaniyang mga alagad at pinagpatuloy nito ang pagkukuwento. Ang ikukuwento naman ngayon ay "Ang Tusong Katiwala".
May taong mayaman na may isang katiwala. May nag sumbong sakaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya't pinatawag niya ang katiwala at tinanong ito.
Dahil dito, nawala ang tiwala ng amo niya sa kaniyang katiwala at dahil dito ay mawawala ang pangangasiwa ng katiwala. Nagisip ang katiwala kung ano ang kaniyang gagawin.
Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa aking pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa, nahihiya naman ako magpalimos. Ah, alam ko na ang aking gagawin.
Ano itong naririnig ko tungkol sayo, ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa kasi tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.
Pinagtatawag niya ang mga may utang sa kaniyang amo at tinanong niya ang mga ito kung magkano ang mga utang nila upang ito'y bayaran nila.
Kayo, magkano ang inyong utang sa aking amo?
Heto ang kasulatan ng inyong pagkakautang. Dali! Umupo kayo at palitan niyo ang nakasulat. Palitan mo ng limampung tapayang langis. At ikaw palitan mo ng walompu't kabang Trigo.
Isandaang tapayang langis po.
Isandaang kabang Trigo po.
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa maparaan niyang paggawa. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kesa mga makadiyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito
Mahusay mahusay, napakatalino mo! Ako ay namangha kasi napakatalino mo sa pag-unawa ng iyong ginawang aksiyon sa pamamagitan ng pagbabawas ng utang sa mga may utang sa akin. Haha!
Ang mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay at ang mandaraya sa maliliit na bagay ay mandaraya din sa malaking bagay.
Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita.
Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magblbigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
At dito nagtatapos ang pagkukuwento ni Hesus sa mga Pariseo.
Walang aliping maaaring maglingkod nang sabaysa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niyaang isa at Iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nangtapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.
Nangmarinig ito ng mga pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya't sinabi niya sakanila
Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov