Sa isang napakainit na panahon, mayroong isang uwak na uhaw na uhaw.
Sa sobrang init, halos buong lugar na kaniyang madapuan ay tuyo at walang kahit ano mang patak ng tubig bilang kaniyang pantawid uhaw.
Ang kaawa awang uwak ay papalapit na sa kawalan ng pag-asa upang makainom ng tubig. Napapapikit na lamang siya habang iniisip kung kailan kaya siya makakalasap ng tubig na kaniyang inaasam.
Ngunit, sa kabila ng hirap uhaw at pagod, nagpasya pa din ang uwak na maglakbay muli upang makahanap ng maiinoman. At sa kagandahang palad ay nakakita siya ng pitsel na kung saan ito'y naglalaman ng tubig
Sa kaniyang paglapit sa pitsel, akmang siya iinom na, hindi niya maabot ang tubig pagkat ito'y masyadong mababa. Nahirapn ang uwak dahil doon, kaya't siya'y nagisip-isip kung ano ang maari niyang gawin.
Ting!! Biglang pumasok sa isip niya na kung punuin niya ang pitsel ng mga bato na nakapaligid sa kaniya, aangat ang tubig na nasa pitsel at siya'y magkakaroon na ng pagkakataong makainom.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov