Noong unang panahon sa isang maliit na nayon ay may dalawang bahay na di nagkakalayo sa isa’t-isa at halos pader lamang ang pagitan. Dito nakatira ang matalik na magkaibigang sila Badong at Minyong.
Naging libangan na nang dalawa ang pamamasyal sa kabukiran at panghuhuli ng ibon sa parang. Kanila itong tinatalian, pinaglalaruan at pinagpapasa-pasahan.
Dahil sa kalupitan nila Badong at Minyong sa mga ibon ay nagalit sa kanila ang diwata ng kalikasan at sila ay pinarusahan. Unti-unting tumigas ang mga braso nila Badong at Minyong at lumapad ang kanilang mga kamay.
Napansin nila Badong at Minyong ang pagpapalitan nila ng paghampas sa ibon at ang paglipad nito sa magkabilang bakod. Kanila itong ikinatuwa at nakalimutan ang kakaibang paglapad ng kanilang mga kamay.
Hindi ikinatuwa ng diwata ang ginawa nila Badong at Minyong. Sa sobrang galit ng diwata ay pinutol nya ang braso nila Badong at Minyong na parang naging kahoy na sa tigas. Sa labis na pagkatakot ay lumisan ang dalawa, nagpakalayo-layo at hindi na nakita pang muli.
Nakita ng ibang taga nayon sa bakuran ni Badong at Minyong ang mala-kahoy na bagay na tila baga isang malapad na kamay na may hawakan at isang tuyot na bola na may balahibo ng ibon; Naisip nilang iyon na marahil ang pinaglalaruan nila Badong at Minyong ng huli silang makita. Sinubukang gayahin iyon ng mga taga nayon at sila ay naligayahan. Tinuring nila itong isang laro sa kanilang nayon bilang paggunita kila Badong at Minyong na kalaunan ay tinawag na larong Badminton.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov