Nandito tayo ngayon upang alamin ang kahalagahan ng kahandaan sa panahon ng kalamidad upang maiwasan ang pilegro sa buhay at pagkapinsala sa mga ari-arian.
Alamin kung paano at bakit maghanda para sa sakuna. Ang anumang sakuna ay hindi maiiwasan, kaya dapat kang maging handa. Paano maghanda at kung ano ang gagawin upang mapaghandaan ang sakuna.
Dapat ay iyo rin itong ibahagi sa iyong mga kakilala, bata man o matanda, lalaki man o babae. Dapat lahat ay may alam, upang lahat rin ay makapaghanda at makaiwas.
Ito ang mga kagamitan na dapat ay nilalaman ng emergency kits:-first aid/mga gamot-flashlight-Radyo na de-baterya-damit-pagkain(delata,noddles etc.)-tubig-baterya-kandila at posporo
Maghanda ng isang bag na pwedeng maging emergency kits at lagyan ito ng mga necessities. Ilagay ito sa lugar kung saan hindi ito mapaglalaruan ng mga bata at kung saan madali lang ito makita, maalala at di malimutan.
Kapag kinakailangan mong lumikas, dapat laging tandaan na pumunta lamang sa lugar kung saan malaki at bukas na espasyo.
Maaaring pumunta sa inyong bakuran, barangay gym, o di kaya ay sa park (kung meron man ang inyong baranggay).
Iyon lamang ang nais kong ibahagi. Sana ay mayroon kayong natutuhan, at sana rin ay inyo iyong ibahagi.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov