Sa wakas, tapos na ang klase. Grabe pagabi na oh, kailangan ko nang makauwi! Kaarawan pa naman ni Ana. Ay oo nga pala, muntik ko pa makalimutan. Kailangan ko pa dumaan sa tindahan para bumili ng alak ni papa.
Manang, pabili nga po ng alak, dalawang bote. Ay pati na rin po isang pakete ng Marlboro.
O eto, 580 lahat. Para sa tatay mo na naman ba itong alak ‘no?
Ay nako Carlo, araw-araw nang umiinom yang tatay mo ha. Tas ngayon nagsimula na rin manigarilyo! Pagsabihan mo nga at baka sumunod pa siya sa nanay niyo! Hay nako, bata pa naman kayo, alam mo namang mahirap maging ulila.
Ah oo po. Sige Manang Susan, una na po ako.
Si Carlo ay pauwi na ng kanyang bahay mula sa eskwelahan. Dumaan muna siya sa tindahan upang bumili ng alak, utos ng kanyang ama.
....Pasensya na po manang, pero wala po kayong alam sa kung anong nangyayari sa bahay, at- wala rin po nagtatanong sa opinyon niyo kaya- Salamat na lang po.
Pumunta muna si Carlo sa tindahan na malapit upang bumili ng alak.
Si Carlo na nagulantang sa sinabi ng matanda, ay hindi na napigilan ang kanyang inis.
Pucha- tignan mo nga naman oh. May pag-asa pa ba mga Pilipino? -Mga mangmang...
Nagalit sa Carlo sa matanda at tuluyang lumisan sa tindahan.
Inabot na ng gabi bago diretsong umuwi si Carlo. Huminto muna siya upang manigarilyo.
Naisipan niyang tingnan ang telepono para makita ang kamakailan lamang na balita
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov