Sa kaniya ipinagkatiwala ng magulang ang kaniyang bunsong kapatid na noo’y nasa loob pa ng isang itlog at hindi pa napipisa. Habang mabilis siyang gumagaod ay buong ingat niyang inilagay sa kaniyang kandungan ang itlog upang maiwasang mabasag at upang ito ri’y mainitan.
Ano ang naging desisyon ng mag-asawang Haumea at Kane Milohai para sa kanilang pamilya?
Hindi naman nagpatalo si Pele. Sa wakas, nagamit niya ang apoy upang makaganti kay Namaka. Sa kagustuhan na rin niyang mailigtas ang kaniyang pamilya ay pinagliyab niya ang apoy sa pusod ng bundok. Ang init ng apoy mula sa kailaliman ng bundok ay naging dahilan ng pagputok nito.
Si Pele ay pumasyal sa paligid ng bulkan at nakita niya ang makisig na binata na si Ohi'a na sinubukan niyang akitin pero si Pele ay buong galang na tinanggihan niya dahil may kabiyak na siya. Nakita ni Pele si Lehua at ang pagyayakap nila at si Pele ay nagselos. Sa tinding galit ni Pele ay natamaan niya ng apoy si Ohi'a at siya'y naging isang sunog na puno. Nakita ito ni Lehua at walang tigil siya lumuha sa puno at kay Pele. Lumambot ang puso ni Pele at ginampanan niya ang kahilingan ni Lehua na gawin siyang bulaklak para magsama sila ng kabiyak niya.
Tutuparin ko ang iyong kahilingan na ika'y maging halaman. Pasensiya na.
Buhayin mo ang asawa ko o gawin mo akong isang halaman para makasama ko siya parang awa mo na Pele!
Bagamat patay na ang pisikal na katawan ni Pele, ano ang kayang gawin ng kaniyang espiritu?
Napagtanto ni Hi'iaka na mahal na mahal pala niya si Lohi'au nung namatay siya. Humingi ng tulong at nagpakiusap si Hi'iaka sa kanyang kuya na si Kane-milo na kunin ang kaluluwa ni Lohi'au sa kailaliman ng lupa at ibinalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-lupa. Sa huli ay pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal niyang kapatid at hinayaan sila Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. Bilang pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal ni Pele sa kanyang kapatid, ang masaganang pagsibol at pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay ang kagagawan ni Pele.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov