Nakita ni Mang Dondong na parating na ang mga bandido, kaya nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaligtasan nito.
Mag-ingat po kayo ni Ina, Ama. May awa po ang Diyos.
Maria, paparating na ang mga bandido. Kailangan muna kitang itago upang matiyak ang iyong kaligtasan.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tahanan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.
Matapos kunin ang lahat ng salapi at alahas ay umalis na ang mga bandido. Paggising nila Mang Dondong at Aling Iska ay hinanap agad nila sa hardin si Maria. Bigla-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa.
Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.
ANG ALAMAT NG MAKAHIYA
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov