Labis ang pagkagulat ni Madame Forestier sa sinabi mula sa kaniyang kaibigan. Unti-unting bumabalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga pagsubok na kanilang hinarap ng kanyang asawa para lamang mabayaran ang inakala nilang labis ang mahal na kwintas. Pagkatapos ang kanilang pag-uusap, agad namang inaya ni Madame Forestier si Mathilde sa kanyang tahanan at nais niyang ipakitang muli ang kwintas. At pumayag namang sumama si Mathilde dahil pagkatapos ang kanyang nalaman ay nais niya rin makita ang kwintas.
Nang sila ay makarating sa bahay, pumunta sila sa balcony at doon hinintay ni Mathilde ang kanyang kaibigan. makalipas ang ilang minuto, dumating na si Madame Forestier at inabot sakanya ang kwintas
Ang kwintas! Na naging dahilan kung bakit sila lubusang nalugmok sa hirap sina Mathilde. Tinignan niya ito at naluha na lamang.
Sana ay ipinaalam ko na lamang agad sayo ang nangyari upang hindi na namin dinanas pa ang hirap na naranasan namin.
Hindi nya alam kung paano siya magpapasalamat sa kanyang kaibigan kaya naman tinanggap na lamang ito at masayang bumalik sa kanyang asawa na naospital sa kadahilanang sobrang pagkapagod nito sa trabaho.
Nais kong ibigay sa iyo ang kwintas na iyan aking kaibigan. Iyan naging dahilan ng inyong paghihirap, kaya iyan din ang nais kong maging dahilan ng inyong unti-unti ninyong pag-angat. Ibenta ninyo kung kinakailangan upang makabili kayo ng inyong mga pangangailangan o panggastos sa ospital.
Kagaya ni Mathilde, labis na pagkagulat ang nadama nito sa nalaman na halaga ng kwintas. Ngunit, lalo pa itong nagulat ng ikwento ng asawa ang tungkol sa kwintas na kanilang pinaghirapan para lang mabayaran ang inakalang labis na mahal na kwintas.
Nakarating na si Mathilde at masaya niyang kwinento sa kanyang asawa sa kung ano man ang pinagusapan nila ng kanyang kaibigan at sa kwintas na nawala.
Labis ang kasiyahan ng mag-asawa kaya naman pinag-usapan nila ang mga gagawin at di kalaunan ay naging matiwasay din ang kanilang pamumuhay. Sila ay nakapagpundar ng maliit na business at nagkaroon ng napakaganda at napakabait na anak. Mula noon ay naging makuntento na lamang sila sa kung ano man ang meron sa kanila at hindi na sila umasa pa ng mas higit.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov