140-142Doo'y kanyang natagpuan isang matandang sugatan, sa hirap na tinataglay lalambot ang pusong bakal.Ang matanda ay leproso sugatan na't parang lumpo, halos gumapang sa damo't kung dumaing...Diyos ko!Ang matandang may dusa Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan na.
140-142
143-145Parang habag na ng Diyos ng tulungan na ang may lunos, kung sa sakit ko'y matubos ako nama'y maglilingkod.Sagot nitong si Don Juan: Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay.Sa lalaga'y dinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa.
143-145
PERFORMANCE TASK SA FILIPINO
Natagpuan ni Don Juan ang isang matandang leproso at ito ay nahirapan at nagugutom. Humingi ng pagkain kay Don Juan ang matandang leproso, dahil siya ay napapagod at nagugutom. Dahil sa mabuting kalooban ni Don Juan, binigay niya ang kanyang baon para sa kanyang paglalakbay, at ito ay ang kanyang hilung piraso na tinapay. Ang pagpapahalagang Pilipino o moral na nakikita ko sa mga saknong na ito ay, dapat maging mabait at matulungin sa iyong kapwa, kahit ano pa ang kanilang katayuan sa buhay o kahit hindi mo sila kilala.
PALIWANAG
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov