Pansamantalang nanungkulan si Padre Salvi sa kumbento ng Sta. Clara. Umalis din sya sa San Diego at wala ng may alam kung saan nananinirahan si Padre Salvi ngayon. Hinding hindi siya makakalimutan ng mga taga San Diego dahil siya ay may busilak na puso. Marami siyang natulungang tao. At higit sa lahat,naging mabuti siyang kaibigan kay Crisostomo Ibarra.
Si Padre Salvi ay isang pransiskanong prayle. Siya ay malusog tignan, madaldal, at malakas kumain. Nung araw ng mga patay, dito napag-alaman ni Ibarra mula sa sepulturero ang nangyari sa kanyang ama.Kaya naman ng makasalubong niya si Padre Salvi ay tinanong niya kung bakit iyon nagawa sa kaniyang ama. Lumingon lamang siya at hindi pinansin si Ibarra at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad. Dikalaunan sa mga kabanata, si Padre Salvi, kasama ng mga sakristang mayor ay pinaglinis niya sa kumbento at pinakain pagkatapos ang batang si Crispin naanak ni Sisa.
Naimbitahan si Padre Salvi ni Ibarra sa isang piknik at tinanggihan niya ito. Pagkatapos ay nag misa na si Padre Salvi. Pagkatapos ng misa, habang naglalakad si Padre Salvi ay nakita niya si Maria Clara at ang mga kaibigan niya na naliligo sa ilog ngunit hindi niya pinansin ito at nagpatuloy lamang sa kanyang paglalakad. At nang dumating na siya sa kanyang tahanan aynagpahinga na ito at natulog.
Si Padre Salvi ang siyang nagbasbas ng natapos na ni Ibarra ang kaniyang paaralan sa San Diego. Pagkatapos ay nag handa sila ng piging at nag siyahan. Nagpasalamat si Ibarra kay Padre Salvi dahil sa kanyang busilak na puso at sa pagiging mabuting kaibigan. At habang sila ay nagisisyahan, dumating si Maria Clara at nakisali narin sa kanila.
Sina Padre Salvi, Maria Clara, mga kaibigan niya at si Don Filipo ay nanood ng dula-dulaan. Dumating si Ibarra at gusting kausapin ang kapitan heneral, at nakausap na niya ito. Pagkatapos nila mag-usap ay pinuntahan siya ng kapatid ng Taong dilaw na namatay sa seremonya, pero pinaalis niya ito sa kaartehan nito. At habang naglalakad si Crisostomo Ibarra ay nakita niya sa Padre Salvi sa daan. Nagkaroon sila ng kaunting pag-uusap.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni PadreSalvi kay Ibarra na may nagbabalak na pumatay sa kaniya. Sinabihan ni Padre Salvi si Ibarra na mag ingat siya dahil hinahabol si Ibarra ng mga guwardiya sibil. Sinabihan niya din si Crisostomo Ibarra na huwag pumunta sa kwartel at kumbento. Nakinig si Ibarra kay Padre Salvi at naligtas niya ang kanyang sarili.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov