Isa akong batang musmos o mas kilala bilang isa sa mga batang hamog sa aming baryo. Mahilig kami magbilad sa araw hanggang sa lumubog ang araw at mangitim ang aming mga balat.
Papalubog na ang araw noon, at dahan-dahan kaming pumupuslit sa tindahan ni Aling Pacing, mali iyon pero kasi nga bata, kung ano ang nais naming gawin ay ginagawa lang namin. Hingal na hingal kami noon sa paglalaro pero hindi pwedeng hindi kami makakuha ng kendi sa tindahan ni Aling Pacing.
 Walang mintis pa naman ang pangungulit namin sa kanya. Hanggang sa nakawala si Kabang, yung malaki niyang aso saka kami hinabol kaya kumaripas agad kami ng takbo
ARF! ARF! ARF!
ARF! ARF! ARF!
INA KO! INA KO!
Hindi naman namin nais maging sisig ni Kabang kaya’t kahit tagaktak na ang aming mga pawis ay takbo pa rin kami ng takbo hanggang sa may rumespondeng mga tanod. 
INA KO! INA KO!
Habang naalala ko ang mga pangyayaring iyon ay napagtanto ko na sa bawat askyon natin ay may mga kinalabasan itong hindi natin inaakala, ngunit na sa atin na kung magiging responsable ba tayo o hindi.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov