Vyhľadávanie
  • Vyhľadávanie
  • Moje Príbehy

Unknown Story

Vytvorte Storyboard
Skopírujte tento Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Vytvorte si vlastný Storyboard

Vyskúšajte to zadarmo!

Vytvorte si vlastný Storyboard

Vyskúšajte to zadarmo!

Text z Príbehu

  • Inutusan ng ketongin si Don Juan na magtungo sa isang bahay at hanapin ang isang ermitanyong nakaaalam tungkol sa mailap na ibon.
  • Natagpuan ng prinsipe ang isang dampa at ang ermitanyo. Pinakain siya at inalagaan. May pagkakataong nakita ni Don Juan ang tinapay na dati niyang ibinigay sa ketongin kaya nagduda siya kung ang ermintanyo ay si Hesus. Kalaunan, ibinahagi ni Don Juan ang kaniyang mga naranasang problema. Babala ng ermitanyo ay mahirap hulihin ang ibong Adarna pero minabuti pa rin nitong patuluyin sa paglalakbay si Don Juan patungong bundok Tabor.
  • Ayon sa ermitanyo, hatinggabi kung dumarapo roon ang ibong Adarna. Pagdapo ay umaawit ito ng nakahahalinang musika; pitong beses itong magpapalit ng boses kasabay ng pagpapalit-kulay ng balahibo nito. Mahigpit na ibinilin ng ermitanyo na sa bawat awit ng ibon, kailangang sugatan niya ang kaniyang palad gamit ang isang labaha at patakan ito ng dayap upang hindi siya makatulog sa pag-awit ng ibon. Pagkatapos, magbabawas ang ibon at dapat iwasan niyang mapatakan nito. Binigyan din ng ermitanyo si Don Juan ng isang gintong sintas. Pagkatapos ay agad na nagtungo si Don Juan sa bundok Tabor at hinintay ang pagdating ng ibon.
  • Ilang sandali pa, nasilayan na ni Don Juan ang ibong Adarna. Napakaganda nito kaya nabigla siya at muntik nang makatulog sa unang pag-awit ng Adarna.
  • Agad niyang sinunod ang bilin ng ermitanyo, kaya sa tindi ng hapdi ng kaniyang hiwa sa palad, talaga namang gising na gising ang kaniyang diwa. Pitong sugat ang nakuha niya katapat ng pitong kantang inawit ng ibon. Nang magbawas ang ibon ay nakaiwas siya. Nang makatulog na ang Adarna, umakyat si Don Juan sa puno ng Piedras Platas at nakuha ito ng matiwasay sa pamamagitan ng gintong sintas na ipinagkaloob ng ermitanyo
  • Bumalik siya sa bahay ng matanda at ipinakita rito ang ibon. Binigyan siya ng ermitanyo ng hawla. Pagkatapos, binigyan siya ng banga at nilagyan ng tubig upang ibuhos sa isang lugar na may mga bato.
  • Pagkatapos ibuhos ang tubig sa mga bato, muling naging tao ang mga kapatid niyang sina Don Pedro at Don Diego. Masaya silang bumalik sa tahanan ng ermitanyo at doon sila ay nagdiwang.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov