Sa isang maliliit na barangay, may isang batang lalaki na nagngangalang Pedro. Si Pedro ay mahiyain at mabait at palaging handang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.
Isang araw, habang si Pedro ay naglalakad sa tabing dagat,nakakita siya ng isang maliit na barko na may taong nakasakay. Namangha si Pedro sa nakita niya na barko at siya ay tuwang- tuwa.
"Salamat ra Diyos! Nakakita na rin ako ng barko!" wika ni Pedro, habang tinatanaw niya ito. Sa kalaunan si Pedro ay umalis at nakakita siya na may dalawang nag-uusap sa tabi ng daan, hindi lang nya ito pinansin.
Sa ilang minuto na paglalakad ni Pedro, may nakita siyang maraming tao na nag-uusap.Hindi nagdalawang isip na lumapit si Pedro, upang siya ay makipaghalobilo sa mga tao, hanggang nalaman niya na sila pala ang nanggaling sa isang barko na kanyang nakita kanina.Biglang kinabahan si Pedro, napaisip siya na baka may gagawin sila ng masama sa kanya, ngunit siya ay nagkamalı dahil wala namangbalak gawin ang mga taong nakausap niya.
Lumipas ang ilang oras ang kanilang pagkwe-kwentohan ay natapos na rin. Napaisip si Pedro na gusto na niyang umalis subalit ayaw siya paalisin. Bigla naman siyang kinabahan baka meron talaga silang gagawin na hindi maganda. Ngunit si Pedro ay nagkamali. Kaya hindi niya pina-alis dahil gusto lang nilang pakainin si Pedro at dahil sa sinabi niya, biglang nawala ang kaba ni Pedro at hindi siya nag dadalawang isip na tulungan niya ito. Nilibot niya ito sa bayan at tinulungan sa paghahanda.
Laking tuwa ni Pedro dahil nagkaroon siya ng panibagong kaibigan na kanyang mapagkwentohan. Nagdaan ang dalawang oras si Pedro at ang kanyang panibagong kaibigan ay nagsalosalo hanggang matapos ang kanilang oras. Lumipas ng ilang oras si Pedro din ay nakauwi na rin sa kanilang barangay na may dalang magandang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa magandang araw na nangyari sa kanya.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov