Mabilis na tumungo si Romeo sa kinaroroonan ng bantayog ng kan'yang kasintahang si Juliet upang siya ay makita sa huling sandali.
Wala siyang kaalam-alam na plano lamang ni Juliet ang kan'yang saglit na kamatayan upang sila ay makapagtanan. Umiyak nang umiyak si Romeo sa pagkawala ng kan'yang minamahal, hindi tiyak kung ang kan'yang kasintahan ay buhay pa.
Sa labis na pagkakulong sa kalungkutan, nilabas niya ang dala dala niyang lason. Sa kalagitnaan ng patuloy na pag-agos ng luha sakan'yang mga mata, tila ba siya ay nabulag dahilan para hindi niya makita't mapansin na nagising ang kan'yang kasintahan.
Sa pagkakataon na nanumbalik ang ulirat ni Juliet at napagtanto ang ginagawang paglalason ni Romeo sa kan'yang sarili ay sinubukan niya itong pigilan, ngunit huli na ang lahat.
Labis ang pagtataka ni Juliet, makikita sa kan'yang mga mata na pilit niyang binabalot sakan'yang isip sa kung ano ang mga nangyari. Sa ilang saglit, nagtatanto niya na nagawang patayin ni Romeo ang kany'ang sarili para sa kan'ya kaya ninais niya rin itong gawin para kay Romeo. Dahil nainom ni Romeo ang lahat ng dala niyang lason, sinubukang halikan ni Juliet si Romeo sa pagnanais na may natira pang lason sa mga labi nito, ngunit wala.
Sa wakas ay kumalma na si Juliet, nakita niya ang baril sa kan'yang tabi at kan'ya itong kinalabit, pagkatapos ay tinutok niya ito sa kan'yang ulo at pinaputok. Umalulong ang ingay ng putok ng baril sa silid. Bumagsak si Juliet sa tabi ni Romeo. Sa huli, natapos na rin ang maraming subok na kanilang pinagdaanan at sa wakas ay magkakasama na sila ng payapa, ngunit hindi sa buhay na ito,
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov