Noong unang panahon, hindi sa bayan ng Arayat natagpuan ang bundok. Ito’y unang itinayo ni Haring Sinukuan para sa bayan ng Candaba.
Pero nang nakita niya ang kasakiman at kasamaan ng mga taong naninirahan dito, nagpasiya niyang ilipat ang bundok.
Dahil dito, and dating bayan ng Candaba’y lumubog at naging ang ngayo’y Candaba Swamp.
Ipinagmalaki ni Haring Sinukuan ang kanyang bundok upang maipanalo ang puso ng kanyang iniirog, si Maria Makiling ng Laguna. Sa pagkalipas ng panahon, unti-unting tumubo ang kanilang pag-ibig para sa isa’t-isa.
Pero dahil dito, nainggit naman si Haring Pinatubo na gusto sanang ligawan si Maria. Dahil sa kanyang lubos na paninibugho, nakipag-away siya sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga malaking bato sa bundok ni Haring Sinukuan.
Nagalit si Haring Sinukuan nang nakita niya ang nasirang tuktok ng kanyang bundok at pinangakong hihiganti siya kay Pinatubo.
Napakasama ng mga taong ito. Hindi nararapat para sa kanila ang bundok na ito.
Napakagandang tanawin ng bundok na ito, ngunit mas nasisilaw ako sa iyong kagandahan, Maria.
Ikaw talaga. Binobola mo na naman ako.
Sisirain ko itong bundok ni Sinukuan! Hindi naman ito kagandahan!
Pinatubo, bakit mo sinira ang bundok ko!?
Bumalik ka rito! Ipinapangako kong hindi tayo rito magtatapos! Maghihiganti ako sa'yo!