Pasensya po Senyor Ibarra, pero inutusan lang po ako ng matabang pari na ilipat sa libingan ng mga instik, pero dahil sa kabigatan ay kinangailangan ko itapon sa lawa.
Kabanata 14: Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo?
Crispin, Basilio umuwi na kayo, naghanda na ng masarap na pagkain ang nanay niyo.
Slamat po, pero Alas-otso pa po kami makakauwi, sabi ng sakristan mayor.
Kabanata 15: Ang mga Sakristan
Wala po akong ninakaw, hindi ko po ninakaw ang dalawang onsa. Parang awa nyo na po.
Bakit nagnakaw ka ng dalawang onsa? Hindi ka makakauwi pag hindi mo iyon mabalik.
Nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San Diego upang hanapin ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael. Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang bangkay ng kanyang ama sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik. Nang makasalubong niya si Padre Salvi ay humingi siya ng paliwanag dito kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.Nalaman naman ni Ibarra sa bandang huli na si Padre Damaso pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon.
Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Dahil sa hindi siya nauunawaan ng karamihan ay tinawag nila itong baliw. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan. Matututuhan sa kabanatang ito ang pag-unawa sa isang tao. Marahil magkakaiba ang bawat isa ng personalidad, paniniwala, at pamumuhay, ngunit bandang huli, hindi ito dahilan upang maging katatawanan ang kapuwa.
Ang magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa, may hinaharap palang matinding suliranin. Si Crispin ay pinagbintangan ng pari sa pagnanakaw ng dalawang onsa o halagang tatlumpu’t dalawang piso. Hiningan niya ng tulong ang kanyang kuya na si Basilio. Hindi maaring umuwi si Crispin hangga’t hindi nito ibinabalik ang ninakaw na salapi. Ang mga aral na pwede natin makuha dito ay, Huwag tayong mananakit lalo na sa mga kabataan, dapat sila ay ating ginagabayan at Huwag tayong basta mangbibintang alamin muna natin ang katotohanan bago tayo magbitaw ng mga salita dahil baka mapahamak an gating pinagbibintangan.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov