Pagtatanim at pagbebenta ng gulay ang kinabubuhay ng magaswang Waldo at Busyang na parehong mabait. Kung paguugali ang paguusapan ay walang maiipintas sa mag-asawang ito, maliban na lamang sa pisikal na anyo. Gayunpaman, ang kapintasang ito ay hindi nakikita ng mga tao.
Bilang ganti ng langit sa kanilang kabaitan, sila ay pinagkalooban ng napakagandang anak. Tibig ng ligaya ang puso ng mag-asawa. Nakiisa naman sa kanila ang kabitbahay at nagpasalamat dahil hindi naging kamukha ng sanggol ang kaniyang ama at ina. Pinangalanan nilang Aya ang kanilang anak.
Anak, iwasan mo si Don Segundo, baka ikaw ay mapahamak.
Hindi kalaunan, habang lumalaki ang bata, napapansin nila itong nagiging salbahe, napakasinungaling at maramot. Dahil sa ugali ni Aya na hindi maganda, siya ngayon ay kinaiinisan ng mga tao. Sa pagdadalaga nito ay lalo ito naging mapagmataas, utos at bilin ng magulang ay hindi niya sinusunod.
Tse, anong pakialam ninyo? Bakit mabibigay ba ninyo ang binibigay niya sa akin?
Isang araw, natukalasan nilang nagdadalantao si Aya. Sa pagkakataong ito ay nagawa pa ring magtimpi ng ama. Baka sakaling magbago si Aya kung isa na rin itong ina. Datapwat mali sila ng akala, sapagkat ang anak ay hindi nagbago, nangyari pa nagmistulan itong reyna kung utusan ang ama at ina.
Isang araw, kararating palang ng mag-asawa, galing sa kuwarto ay lumabas si Aya at hiningi ang ipinapabiling prutas. Humingi ng paumanhin ang ina subalit nagsiklab sa galit ang anak, kagyat sumagot ang amang nangingitngit ngunit siya man ay pinagwikaan rin ni Aya. Ang kasamaan ng anak ay kaya pa nilang pagtiisan ngunit ang paglalait sa kanila bilang magulang ay hindi na niya mapalampas.
Puwee! pangit na nga kayo ay mangmang pa. Walang silbi! Bumalik ka sa bayan ngayun din!
Sa sama ng loob ng ama, ang irog na anak ay kanyang naitulak, sa pagkakatumba ni Aya, nanlilisik pa ang mga matang tumitingin sa ama........ Dinig ng langit ang hiling ni Waldo upang ang paghihirap nila ay mabigyan ng wakas. Ang parusang angkop sa suwail na anak ay iginawad, hindi na nga nakatindig si Aya at sa inis nito ay gumapang patunong hagdanan.
Papatayin ko kayo!
Kung kasamaan parin ang nasa isip mo, sanay huwag kanang makatayo.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov