sa tahanan ni Tales nagbebenta ng alahas si Simoun. Mainit na tinanggap ni Kabesang Tales si Simoun. Walang dapat alalahanin si Kabesang Tales dahil may utusan at may dalang pagkain si Simoun. Makikituloy raw si Simoun ng isang gabi at araw. Pinutok ni Simoun ang kanyang rebolber upang magyabang.
dumating sina Kapitan Basilio, Kapitana Tika, Sinang, at Hermana Penchang, para bumili ng mga alahas. nakaisip si Tales ng ideya na ang alahas na bibilhin niya kung may pera siya ay maaari niyang pantubos kay Juli. Binili ni Hermana Penchang ang singsing. Binili ni Kapitana Tika ang relikaryo. kay Sinang ay paris ng hikaw at binili naman ni Kapitan Basilio ang kairel at paris ng hikaw.
Ipinakita rin ni Simoun na nagbebenta siya ng gamot at lason na maaaring puminsala sa Filipinas. Ayon kay Simoun, bumibili rin siya ng alahas. Iminungkahi ni Sinang na ibenta ni Tales ang laket ni Juli. Hinanap ito ng kabesa at iniabot kay Simoun. Nakikilala ni Simounna laket iyon ni Maria Clara kaya dali-dali niyang tinanong kung magkano ito.Dahil dito sumabat si Hermana Penchang at sinabing bago ibenta ng kabesa ang laket ni Juli ay kinakailangang ipagpaalam muna sa anak..
Kaya napag-isipan ng kabesa na puntahan muna si Juli upang ipagpaalam ang laket. Ngunit nang napadaan siya sa kaniyang dating bukid, natanaw niya ang uldog at magasawang pinagtatawanan siya mula sa malayo. Kaya’t lalong nag-init ang kaniyang galit.
Nakatulog sa kahihintay si Simoun. Sa kaniyang pagkatulog, kinuha ni Tales ang rebolber at ipinagpalit ng laket at may liham na nakasulat ang patawarin siya dahil nagnakaw siya sa kaniyang sariling bahay. Pinayuhan din ng kabesa si Simoun na umiba ng landas sa pag-uwi dahil kapag nakita siya ay huhulihin nila si Simoun.
Nakita na lamang nito ni Simoun sa kaniyang pagkagising na labis niyang ikinatuwa. Lalo siyang natuwa dahil dumating ang mga sibil at dahil wala ang kabesa para hulihin, kaya si Tandang Selo ang hinuli.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov