Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Kabanata IV
Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.
Kabanata V
Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.
Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang gobyerno.
Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov