Поиск
  • Поиск
  • Мои Раскадровки

Buod

Создать Раскадровку
Скопируйте эту раскадровку
Buod
Storyboard That

Создайте свою собственную раскадровку

Попробуйте бесплатно!

Создайте свою собственную раскадровку

Попробуйте бесплатно!

Текст Раскадровки

  • Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugat-sugat aming makikinis na pangarap. Mga manika kaming tinusok-tusok ng mng panginoong nasa malayong tore. Nilinlang kami ng mangkukulam na mga tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain-- ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno.
  • We are giving our indigenous people the opportunity to learn self development, panimula ng isang nakakurbatang lalake sa entablado, through the efforts of our tourism department; they could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence. Nagpalakpakan ang lahat. Ano daw? di ko alam, pumalakpak na lamang tayo -iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
  • Are you studying?Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na buhangin, ng dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala. Kano, may kano, ayan na... naririnig ko ang aking mga kasamahan.
  • Are you studying?
  • You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher. At ngumiti siya. Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami'y nagkuwentuhan na parang 'mag-ina, siya daw ay di ligawin ng mga lalake noong Junior High.
  • Ang mga gusto nito ay mga cheerleader type. They stuff crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger. At kami'y tumawa. Umalog ang bote na nasa aking bulsa. Bukas, bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan.
  • Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay Paalam.
  • Ang mga gusto nito ay mga cheerleader type. They stuff crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger. At kami'y tumawa. Umalog ang bote na nasa aking bulsa. Bukas, bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan.
Создано более 30 миллионов раскадровок