ANG IKSI TALAGA NG MGA PAA MO, PAGONG! ANG BAGAL PA! WALA KANG MARARATING NIYAN!
ISANG ARAW, NAGKASALUBONG SA DAAN SI KUNEHO AT SI PAGONG...
AT DAHIL NGA SA BAGAL NI PAGONG, NAPAGDESISYONAN NI KUNEHO NA UMIDLIP MUNA SA ILALIM NG PUNO
MABAGAL NGA AKO SA TINGIN MO PERO NAKASISIGURO AKONG MATATALO KITA SA PALAKASAN, KUNEHO. PABILISAN TAYONG MAKAAKYAT SA TUKTOK NG BUNDOK!
AT DAHIL DOON, ANG DALAWA AY NAGKAROON NG PALIGSAHAN...
HAHAHA! SERYOSO KA BA? SIGE! ANO PANG HINIHINTAY MO?! MGA KASAMA, HALIKAYO! HINAHAMON AKO NI PAGONG NA MAGPAUNAHAN SA TUKTOK NG BUROL! ANG SISIW NAMAN NG LABANANG ITO! HAHAHAHA!
AT ANG DALAWA AY NAGSIMULA NA SA KANILANG KARERA PAPUNTA SA TUKTOK NG BUROL
SABIHIN MO MAN NA AKO AY MABAGAL NGUNIT HINDI AKO SUSUKO SA LABANAN!
HAH! NASISIRAAN NA TALAGA! PAANO KA MANANALO SA AKIN? EH, ANG BAGAL-BAGAL MO!
BAGAL TALAGA NI PAGONG. IIDLIP NALANG MUNA AKO DITO SA ILALIM NG PUNO. TIYAK NA SA AKING PAGISING AY HINDI PA RIN NAKAKARATING SI PAGONG DITO! HAHAHA
AT NATULOG KA PA TALAGA! MASYADO KANG BILIB SA SARILI MO. PAGKAKATAON KO NA ITO!
NAPAHIMBING ANG TULOG NI KUNEHO SA ILALIM NG PUNO HANGGANG SA...
ZZZZZZZ
AT DAHIL SA KASIPAGAN NI PAGONG AT SA HINDI PAG SUKO NIYA SA HAMON, SIYA ANG NANALO SA KARERA
HUWAG KA KASI MASYADONG MAGYABANG. ANG TAAS NG TINGIN MO SA SARILI, KUNEHO!
SA WAKAS! NAGAWA KO! NATALO KO ANG MAYABANG NA KUNEHO!
HINDI ITO MAAARI! NATALO AKO NG ISANG MAKUPAD NA PAGONG! ARRR!!!