Siya si Juvy isa sa mga matatapang at masisipag na kababayan natin na nakikipagsapalaran sa abroad. Siya ay nagtatrabaho bilang isang caretaker sa bansang Canda.
Gusto ni ate Juvy na makasama ang mga kamag-anak at kanyang mga anak lalo na kapag may mga handaan at celebrasyo kagaya lamang ng birthday at fiesta. Kahit mahirap kaniyang tinitiis ang kalungkutan at pangungulila sa naiwang mga anak at iba pang kasapi ng Pamilya.
Miss ko na ang aking mga anak at pamilya.
Kapag siya ay namimiss na talaga ang mga anak. Tinatawagan niya ang mga ito upang makausap.
Mabuti na lamang at moderno na ang teknolohiya ngayon ayon kay ate Juvy pagkat kanyang nakakausap at nakikita ang mukha ng mga anak sa pamamagitan ng video call.
Mga anak ko. Kamusta na kayo?
Kakayanin ko ang lahat kahit ano man ang mangyari. Pagkat ang aking sakripisyo ay mauuwi rin sa saya kalaunan.
Pangarap ni ate Juvy na mabigyan niya ng magandang buhay ang anak at pamilya. Ngunit hindi parin niya maiwasang mangulila ng lubos sa kanila. May mga panahon na hindi niya kinakaya ang pag-iisa. Pero kagaya ng kanyang laging sabi...
Kakayanin ko ito. Laban lang!
Dahil sa pagsasakripisyo ni ate Juvy sa abroad. Unti-unti niyang natutupad ang mga pangarap. Sa kataunayan nga ay nalaman kong pino-proseso na pala niya ang dokumento ng mga anak upang magkasama na sila sa Bansang Canada at mamuhay na ng masaya at magkasama.