Noong unang panahon, sa bansang Teyvat, inatake sila ng mga masasamang nilalang. Inatake sila ng mga nito ng biglaan dahil ayaw na nila magtago sa mga bundok at mga kuweba at para sa kanila sila na ang pinamalakas sa buong mundo at kaya nilang sakupin ito.
Hindi ito maaari! Kami ang pinakamalakas sa mundong ito
Masaya sila habang pinapatay ang mga tao. Makalipas ang isang buwan, nabawasan ng 60% ang populasyon sa bansang Teyvat. Hindi makalaban ang mga tao dahil hindi tinatablan ng mga dahas ang kanilang makakapal na balat.
Huwag kayo maging sakim dahil inaamin ko na malakas kayo, ngunit lagi niyong isipin na may taong mas malakas pa sainyo
Ikinagalit ng Diyos ng kalangitan na si Venti ang mga nangyayari sa mga taong kanyang nilikha. Nagdesisyon na siyang tapusin ang labanang nangyayari
Maraming Salamat!!
MARAMING SALAMAT!!!
Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang isa-isang mapatay ang mga masasamang nilalang. Nagtaka ang mga halimaw kung bakit sila natatalo dahil para sa kanila, sila ang pinaka makapangyarihan sa buong mundo.
Napatay na ni Venti ang lahat ng halimaw maliban sa kanilang pinuno na isang dragon. Naglaban ang Diyos at ang dragon ng tatlong araw, ngunit sa dulo, ang diyos ang nagwagi at napaslang niya ang masamang dragon
Bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao. Paalis na ang diyos, ngunit nagulat siya ng dumating ang mga tao at pinasalamatan siya sa kanyang mga ginawa. Masaya si Venti sa pagbalik sa kalangitan. Nangako siya na poprotektahan niya ang sangkatauhan hanggang sa mawalan siya ng hininga