Căutare
  • Căutare
  • Povestirile Mele

Pagmumuni-muni

Creați un Storyboard
Copiați acest Storyboard
Pagmumuni-muni
Storyboard That

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Storyboard Text

  • Pagmumuni-muni
  • Ramirez, Benjamin Alfred S. Baitang 10-ODL 31G. Ray Morandante
  • Ako ay nakaupo sa aking silid, iniisip kung totoo ba ang mga nangyayari sa kapaligiran. Marami akong nababasa at napapanood sa telebisyon sa mga sanggol na natatagpuang patay na nakasilid sa sako o basta na lamang itapon sa isang tabi. Nakakapagtaka kung bakit ito nagagawa ng mga tao.
  • Ano kaya ang dahilan sa mga pagtapon sa mga sanggol
  • Ito ba ay makatao pang gawain. Hindi ba at ang buhay ay pinagkaloob ng Panginoon na dapat pahalagahan. Bakit may mga taong nakakagawa ng ganitong uri ng krimen. marami pang katanungan sa aking isipan na kailangan ng tamang kasagutan.
  • Sa panahon ngayon, ito na ba ang nakakasanayang gawin kapag hindi pa handa magkaroon ng supling?
  • Paano ba nag umpisa ang lahat, hindi ba nagmahalan lang naman sila, pero bakit pagkatapos ng lahat hindi nila nakayanang panindigan. Doon ba nagtatapos ang kanilang pagtitinginan. O sadyang sila ay iresponsable sa simula pa lamang.
  • Siguro natakot sila, sa kanilang magulang o ayaw nilang harapin ang katotohanan na sila ay magulang na rin.
  • Sa tingin ko ano man ang dahlan nila, sa palagay nila ito ang mas tamang desisyon para sa kanila, Ngunit para sa akin hindi ba ito ay isang malaking pagkakamali, kung sa una pa lanamng ay naisip na nilang hindi nila kayang panindigan ang magiging resulta hindi na sana nila ito ginawa. Marami namang paraang para maihayag ang pagmamahal sa kapareha.
  • Patnubayan ako ng Poon upang hindi ko ito magawa pagdating ng panahon.
  • Para sa akin ang isang pagkakamali ay hindi na dapat dagdagan pa ng isang pagkakamali. Mas mainam siguro na panindigan na lamang ang lahat. Kung walang kakayahang patuloy na buhayin ang isang sanggol na walang laban mas marami namang mabuting paraan kesa kitlin ang buhay ng walang muwang. Sana maraming kabataan ang huwag pumasok sa ganitong sitwasyon at humingi palagi ng gabay sa ating Panginoon.
  • Maraming naghahangad magka-anak ngunit kayong mapalad na mabigyan naisip nyo pang ito ang gawin. 
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create