Căutare
  • Căutare
  • Povestirile Mele

Ang Mag-asawang walang anak

Creați un Storyboard
Copiați acest Storyboard
Ang Mag-asawang walang anak
Storyboard That

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Storyboard Text

  • Sige mag aalaga ako ng baboy para naman kumita tayo
  • Mag alaga nalang tayo ng maraming hayop malibang tayo
  • Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ng kahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina Teban at Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring nangyari.
  • Ang kanilang kahilingan ay natupad. Hindi nagtagal at nagsilang si Osang ng isang babae at ito ay pinangalanan nilang Rosario. Lumaki si Rosario sa piling ng mapagpalang kamay nina Teban at Osang. Tulad ng kanyang pangako, hindi pinatutuntong ni Osang ang anak sa lupa kung kaya’t si Rosario ay hindi nakalalabas ng bahay.
  • Po protektahan ko kayo
  • Hanggang sa magdalaga na si Rosario ay hindi pa nasayad sa lupa ang mga paa nito. Nagkasundo ang mag-asawa na ipagtapat kay Rosario ang tungkol sa kanilang pangako. Naintindihan naman ni Rosario ang kalagayan ng mga magulang at iginalang niya ang bilin ng mga ito.
  • Kahit na hindi naglalabas ng bahay si Rosario, maraming binata pa rin ang nakabalita sa angking kagandahan ng dalaga. Dumadalaw sila at nanliligaw sa dalaga. May isang napupusuan si Rosario, siya ay si Antonio.
  • “Puwede ba akong makatuloy, mahal kong Rosario?” ang tanong ni Antonio.
  • “Hindi maari, wala rito ang mga magulang ko. Kabilin-bilinan nina Tatang at Nanang na huwag akong magpapatuloy ng tao sa loob ng bahay,” ang sagot ni Rosario.
  • “Kung ganoon, hindi naman siguro masama kung magkuwentu-han tayo dito sa hardin,” mungkahi Antonio.
  • “Kung ganoon, hindi naman siguro masama kung magkuwentu-han tayo dito sa hardin,” mungkahi Antonio.
  • Sa kapipilit ni Antonio ay napapayag din niyang makausap sila ni Rosario sa may hardin. Naisip ni Rosario na hindi naman siguro masama kung mag-usap sila sa hardin ni Antonio. Higit sigurong magagalit ang kanyang mga magulang kung patutuluyin niya sa loob ng bahay ang binata.
  • Isang araw ay dumalaw si Antonio kay Rosario. Tumawag siya sa labas ng bahay. Nagkataon naman na sa mga oras na iyon ay wala ang mga magulang ni Rosario.
  • Ngunit pagtuntong na pagtuntong ni Rosario sa lupa ay biglang yumanig ang buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung saan nanggaling. Nilamon ng tubig ang kabahayan. Nagyakap sina Antonio at Rosario at humihingi ng saklolo. Walang tulong na dumating.
  • Kinahapunan ay dumating ang mag-asawang Teban at Osang. Laking gulat nila nang di makita ang kanilang bahay. Parang bula itong naglaho. Tanging isang kahoy ang kanilang nagisnan at sa pusod ng ilog na ito ay naroroon ang dalawang kambing
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create