Căutare
  • Căutare
  • Povestirile Mele

Pangkat Camaraderie - Storyboard

Creați un Storyboard
Copiați acest Storyboard
Pangkat Camaraderie - Storyboard
Storyboard That

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Storyboard Text

  • 
  • 
  • Habang ang tatlo ay patuloy paring nangangamba at nagmumunhi sa madilim na kagubatan, narinig sila ni diyosang Nyx, ang diyosa ng gabi, ang kanilang mga sinasabing mapuot na bagay tungkol sa gabi at gusto niyang turuan ng leksiyon ang tatlo.
  • Walang alam ang mga batang ito! Masyado silang natatakot sa gabi at kadiliman. Ipapakita ko sa kanila ang taglay na kagandahan sa dilim, pero kailangan ko ng plano.
  • Nag-iisip ang diyosang Nyx kung paano turuan ang mga tatlong bata, at may nakuha siyang ideya. Habang nagpapahinga napagtanto ng magkakaibigan ang mga kumikislap na bagay.
  • 
  •  Tignan niyo ang paligid! Wow! Unang beses ko palang nasilayan ang ganda ng kadiliman.
  • Oo nga napansin ko rin. Ang ganda ng mga ilaw! Ngayon ko lang nakita ang mga ito.
  • Alam niyo may napagtanto ako. Hindi totoong puros katatakutan at pagkapuot ang dapat nating maramdaman sa pagkawala ng araw, sapagkat tanging sa kadiliman lamang natin makikita ang tunay na kumikinang.
  • 
  •  Umihip si diyosang Nyx sa mga bulaklak na namumulaklak sa gabi. Nagsasayawan ang mga ito at lumutang ang mga kulay na dilaw, puti, at pulang rosa sa kagubatan. Ang mga dahon at sanga ng mga puno ay lumiliwanag at tila pinapalapit ng diyosa ang mga bituin at ang buwan sa pagsikat nito sa gitna ng kadiliman. Napamangha sa kanilang mga nakita ang mga pagod na kabataan. Tila nalaglag ang kanilang mga panga sa tanawin.
  • 
  • 
  • 
  • 
  • Narinig ni diyosa Nyx ang pagtatanto ni Jhanreil at siya’y napangiti. Umihip ulit siya at hiniling sa mga alitaptap na gabayan ang tatlong kabataan sa matiwasay na pag-uwi nila. At doon napagtanto nila na ang kadiliman ay tila nakakatakot man ngunit nagtataglay pa din ito ng kagandahan kagaya ng lahat ng nabubuhay sa mundo.
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create