Si Eimear ay may proyekto na ipapasa kinabukasan. at kailangan niyang linisin ang kaniyang kwarto. Alam niyang papagalitan siya ng kanyang ina kapag nakita nitong madumi ang kaniyang kwarto ngunit siya ay walang ginawa maghapon kundi manood ng k-drama.
Si Eimear ay nakatulog sa kanonood at umabot na ng gabi ay makalat parin ang kaniyang kwarto.
Kinagabihan nakauwi na ang kaniyang mga magulang.
Kinabukasan, pinagalitan siya ng kaniyang nanay dahil nakita nito na makalat pa rin ang kaniyang kwarto.
Maghapon kang walang ginagawa dito sa bahay kahapon! Paglilinis na nga lang ng kwarto mo ang gagawin mo ay hindi mo pa ito magawa!
Si Eimear ay walang nagawa kung hindi linisin ang kaniya kwarto.
Oras na ng pasahan hindi ko pa nagagawa ang aking proyekto, dapat pala naglinis na ako kahapon at ginawa na ito. Hindi pa sana ako napagalitan.
Si Eimear ay umiiyak dahil late siya nagpasa ng kanyang proyekto at may bawas na grado ito.
Aral: Gawin muna ang mga kailangang gawin o mga prayoridad sa paaralan at tahanan bago ang mga walang kwentang bagay.