"Hindi ko makakalimutan ang ang buong pusong pagmamahalan natin Jose. Gayunpaman, hindi na ako karapat-dapat sa iyong pag-ibig. May ibang karelasyon na ako, paumanhin Jose. Sana ay mapatawad ako ng iyong puso sa aking pagtataksil. Pinagsisisihan ko ito ng lubos, paalam mahal."
Tumungo Si Rizal papuntang Madrid upang mag-aral, at sa kanyang pananatili sa ibang bansa ay nakilala niya si Consuelo Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Perez, na siyang Liberal sa Espanya at dating mayor ng Lungsod ng Manila na naging Bise-presidente ng Konseho ng Pilipinas sa Ministri ng mga Kolonya.
Isa kang nakakatawang dalaga, Consuelo.
Ano ang iyong tinitingin, Jose? Iyo na bang napagtanto na ikaiy nahulog na sa akin gaya ng karamihan sa mga kalalakihan?
Nabigla si Rizal sa pagtatapat ng dalaga ngunit hindi niya ito ipinahalata. Bahagya lamang siyang napangiti bilang tugon.
Iyon ay hindi mo pagsisisihan, Jose. Ako’y napaibig sayo dahil ikaw ay nakakahangang binata na sa aking paningin ay marangal at magara.
Ikaw ay matalino at nakakabighani, binibini.
Magga-gabi na, ako’y mauuna na Senorita.
Agad naman niyang binawi ang titig sa dalaga at tumingi sa kanyang relo