Căutare
  • Căutare
  • Povestirile Mele

Unknown Story

Creați un Storyboard
Copiați acest Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Creează-ți propriul Storyboard

Încercați-l gratuit!

Storyboard Text

  • Ok class, para naman sa inyong takdang aralin ay mananaliksik kayo tungkol sa mga sektor ng ekonomiya (sektor ng industriya , paglilingkod at agrikultura). Paalam at maraming salamat!
  • Oh anak nandyan ka na pala
  • Oo nga pala 'nay, pwede niyo po ba ako tulungan sa aking takdang - aralin?
  • Opo 'nay, kakadating ko lang din po
  • Ah madali lang iyan anak
  • Tungkol po ito sa mga sektor ng ekonomiya, ano po ba ito at ang ginagawa nito para sa ating ekonomiya?
  • Unang ipinaliwanag ng ina ni Kesha ang tungkol sa Sektor ng Industriya
  • Mahalaga ang sektor na ito dahil ito ang gumagawa ng mga produkto na ating ginagamit, ito rin ang nagpapasok ng dolyar sa ating bansa at higit sa lahat, ito rin ang nagbibigay ng trabaho sa mga tao. Kaya anak paglaki mo ay ito ang magbibigay sa iyo ng trabaho.
  • Layunin ng sektor ng industriya na maiproseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng produkto na ginagamit ng tao. Ito ay may sub-sektor, ito ang (Pagmimina, Pagmamanupaktura, Konstruksyon at Utilities)
  • Talaga po 'nay?
  • Ikalawa naman ay ipinaliwanag ng ina ni Kesha ang tungkol sa Sektor ng Paglilingkod
  • Ang sektor ng paglilingkod ay isa sa mga sektor na may direktang gampanin sa pagpo-prodyus at pagproseso ng mga produkto, masasabing napakahalaga ng sektor ng paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
  • Tumpak ka dyan anak!
  • Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. Ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na gumawa ng produkto. Ito ay may sub-sektor ito ang (Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan, Kalakalan, Pananalapi, at Paupahang Bahay at Real Estate)
  • Ibig sabihin po ba nito ay may malaking epekto at tulong ang sektor ng paglilingkodsa Gross Domestic Product o GDP.
  • Panghuli ay ipinaliwanag ng ina ni Kesha ang tungkol sa Sektor ng Agrikultura
  • Tama ka dyan anak, walang anuman! oh siya halika na at maghahapunan na rin, maghahain na ako sa hapag ng mga produkto ng agrikultura HAHAHA joke lang!
  • Napakahalaga ng sektor ng agrikultura hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi ay maging sa pang araw-araw na pangangailangan ng isang tao. Mula sa bawat butil ng kanin sa bawat hapag kainan, ang isda at karne na inuulam, ang mga sanggkap na gulay at mga pampalasa – ang lahat ng mga iyan ay produkto ng sektor ng agrikultura.
  • Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga halaman, hayop, pati na rin ang mga isda, at kagubatan. Ito ang pinagkukunan natin ng ating mga pangunahing pangangailangan. Saklaw ng agrikultura ay ang (Pagsasaka, Pangingisda, Paghahayupan at Panggugubat.)
  • Kung wala po pala ang mga sektor ng ating ekonomiya ay mahihirapan po tayo sa ating pamumuhay at hindi po matutugunan ang ating mga pangangailangan. Ngayon alam ko na po, salamat po 'nay!
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create