Anna! maaari mo ba akong samahan bumili ng mga gulay?
Oo naman dahil gusto ko rin makagala kahit papaano
Inutusan kasi ako ni Nanay na bumili ng gulay para sa lulutuin niyang ulam
Ganon ba? mabuti na lamang ay nakita mo ako upang may kasama ka bumili
Magandang umaga mga binibini anong nais ninyo?
Nais ko lamang po bumili ng mga gulay, ikaw ba Anna?
Ah opo may nais lamang po akong itanong ale kung alam ninyo ang kahalagahan ng ekwilibriyo sa pag unlad ng pamilihan?
Ano nga ba ang ekwilibriyo, Anna?
Ito na ang mga gulay para sa iyo iha
Maraming Salamat po
Dapat po ay ibase ninyo ang presyo ng iyong mga paninda sa presyo na ibinibigay ng mga taga gawa.
Ang ekwilibriyo po ay ang puwerse ng demand at suplay na pantay o balanse.
Ganon ba? kung gayon maraming salamat sa impormasyon. May mga dapat pa ba akong malaman? upang alam ko na ang dapat gawin sa pagtitinda
Dapat din po ay parehas na nakikinabang ang mamimili at ang taga benta upang walang nasasayang na mga produkto
Dapat din po nating inaalam ang price ceiling at ang price floor upang hindi malugi ang taga benta o ang mamimili.
Nako! Maraming salamat sa inyo mga binibini dahil sa inyo marami akong natutuhan tungkol sa ekwilibriyo. Masaya ako na bumili kayo sa akin ngayong araw
Wala pong ano man ale ngayong alam niyo na ang ekwilibriyo makakapagtinda na po kayo ng tama at dapat
At huwag po kayong mag alala dahil babalik po kami uli upang mamili sa inyo