Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

alamat ng saging

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
alamat ng saging
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Noong unang panahon mayroong isang dalagang napakaganda na ang pangalan ay Maria.Mayroon siyang istriktong magulang kaya't hindi ito pinapayagan na magpaligaw sa kung sino pwera na lamang kung ito ay mayaman.
  • Ngunit isang araw ay nagpunta si Maria sa palengke upang mamili, nang may mamataan siyang isang napakagwapo ding binata na ang pangalan naman ay Karding. Sa unang kita niya palang dito ay may naramdaman na siyang kakaiba dahil sa angking taglay nito.
  • Makisig, magandang lalaki, at masipag. Napansin din siya ni Karding kaya't sila'y nagkakilala, hindi nagtagal ay nagkagustuhan din ang dalawa ng palihim dahil alam ni Maria na hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kasamaang palad ay may nakilala ang magulang nito na isang mayamang lalaki at pinipilit ng kanyang magulang na magustuhan at maikasal agad dito.
  • Walang nagawa si Maria dahil sa takot niyang itakwil siya ng kanyang magulang, kaya't sinabi niya na papayag siya sa isang kondisyon at ito ay hayaan siyang umalis ng ilang oras, at agad namang pumayag ang kanyang mga magulang. Sa oras na iyon ay naisipan ni Maria na makipagkita kay Karding at magpaalam dito na tapusin na ang kanilang relasyon.
  • Ngunit sinundan pala siya ng kanyang ama at nakita silang dalawa, sa pag-aakala ng kanyang ama na magtatanan ang dalawa ay nagalit ito at sa galit nito ay kumuha ito ng itak at nang iitakin na ito ay nagulat si Karding kaya naiharang niya ang kanyang kamay kaya't naputol ang daliri nito sa takot niya ay tumakbo ito at sa hindi pagtigil ng dugo ay naubusan ito ng dugo.
  • Kaya't hindi pa siya nakakarating sa pagamutan ay nalagutan na ito ng hininga.Sa pangungulila ni Maria dito ay pinulot niya ang naputol na daliri at itananim sa lupa dahil iniisip niyang ito si Karding. Lagi niya itong binibisita at iniiyakan kaya't sa paglipas ng panahon ay mayroong namunga na katulad ng daliri ni karding at sa paglipas ng panahon ay tinawag itong saging.
Mais de 30 milhões de storyboards criados