Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

2ND PART FIL

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
2ND PART FIL
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Liam: Briana! Alam ko ang tungkol sa ginawa niyong pandaraya sa pasulit noong nakaraang linggo.
  • Nababalisa si Liam dahil sa talino at kagalingan ng mga kasama niyang kalahok lalong lalo na si Amerah, kaya naisip niyang maghanap ng alipin na tambangan ang iba pang mga kalahok upang matiyak ang kanyang tagumpay.
  • Liam: Sige,hindi ko kayo isusumbong sa isang kondisyon, gagawin kitang parang isang papeta ko at tutulungan mo ako sa pagtambang sa ibang mga kalahok upang matiyak ang aking tagumpay sa paligsahan. Ano? Sang-ayon ka ba?
  • Liam: May ebidensya ako tungkol sa pagtulong mo sa iyong mga kaibigan na mandaya sa pasulit kaya sila nakakuha ng perpektong marka. Kung hindi mo gagawin ang mga utos ko sa iyo, ipapaalam ko ang pandadaya niyo sa ating guro at mapapahamak ang inyong pag-aaral.
  • Briana: Oo na, gagawin ko lahat ng ipapagawa mo basta lang hindi mo kami isusumbong sa ating guro.
  • Briana: Huh?! Parang awa mo na Liam, ayaw kong mapahamak ang pag-aaral ko at ang aking mga kaibigan dahil abot langit ang pagmamahal ko sa kanila.
  • Si Liam ay nangangamba sapagkat si Amerah ang laging nananalo sa bawat yugto ng paligsahan. Dahil dito, dalawang araw bago ang final round ay inutusan ni Liam si Briana na isabotahe si Amerah. Inutusan niya itong ipainom kay Amerah ang inuming sinabotahe niya at ang utos ni Liam ay nagtagumpay.
  • Briana: (sa isip) Kawawa naman si Amerah. Nakokonsensya na ako sa pinaggagawa ko. Wala naman siyang ginawang masama sa akin. Tila anghel nga yung kabaitan nya. Kailangan kong itama to. Sasabihin ko sa kanya ang totoo.
  • Amerah: Ah! frontal lobe. Frontal lobe! FRONTAL LOBE! Ano naba ang nangyayari sa akin? Bat ko ba biglang nakakalimutan yung mga pinag-aralan ko? Tuwing nag re-review pa ako, ang sakit-sakit pa ng ulo ko! Baka hindi na ako makasali sa paligsahan!
  • Amerah: Amygdala, Cerebrum, Brainstem, Midbrain, ano nga yung isa?
  • Amerah: Ayos lang yun, sisikapin ko nalang magrebyu nang mabuti. Naniniwala kasi akong walang problemang hindi nalulutasan.
  • Amerah: Ha? Bakit ka nag so-sorry? Bakit ba?
  • Amerah: Oo naman. Walang problema. Ano ba yung sasabihin mo?
  • Briana: Ay alam ko na! Narinig ko ang kasabihan na mabait daw yung Diyosa ng karunungan na si Athena. Tiyak pag nagdasal at humingi ka ng tulong sa kanya, malulutasan mo ang iyong problema. Alam ko kung nasaan ang templo niya. Sasamahan pa kita!
  • Briana: Hi Amerah may gusto sana akong sabihin sayo. Ayos lang ba sa iyo?
  • Briana: Ako ay inutusan ni Liam upang ipainom sa iyo ang inumin na binigay niya. Yung pagtingin niya sa akin ay parang isang manika niya na kaya niyang kontrolin. Sa palagay ko ang inuming iyon ang siyang sanhi kung bakit ka nahihirapang magrebyu ngayon. Hindi ko alam anong inilagay niya pero sigurado ako gusto ka niyang i-sabotahe. Pasensya na Amerah, sana ay mapatawad mo ako.
  • Briana: Sorry Amerah ha pero hindi ko kasi matanggihan si Liam eh.
  • Break Time......
  • Break time..
Mais de 30 milhões de storyboards criados