Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

alamat ng butiki

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
alamat ng butiki
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Maraming salamat, aking anak sa pagtulong mo sa akin.
  • Walang anuman po, Ina.
  • Noong unang panahon, sa isang liblib na lugar ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
  • Natutuwa si Aling Rosa dahil sa kaniyang anak na mabait at masunurin. Kahit namatay ang asawa, mayroon pa ring anak na katuwang ang ina sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain. Hanggang sa naging matanda at mahina na si Aling Rosa, si Juan na lamang ang naglalakbay.
  • Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!
  • Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina
  • Hanggang sa nakilala niya si Helena na lubhang kaakit-akit na nagpaibig kay Juan. Napapadalas ang kanilang pagkikita na naging dahilan ng hindi pagsama ni Juan sa ina na mag-orasyon bago magdilim sa harap ng bahay.
  • HAHAHAHAHHAHHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHA!!!
  • Nabigla si Juan sa pagpapasya ni Helena at hindi makapaniwala sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil kailangan nyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi.
  • Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ng ina na mag-orasyon. Ngunit wala ang kaniyang atensyon sa pagdadasal nang biglang hinugot ni Juan ang kaniyang itak at inundayan ang kaniyang ina sa likod. Nanghina si Aling Rosa at pinilit na mag-iwan ng mga huling salita bago pumanaw. Umiyak at sising-sisi na bumalik sa katinuan ng pag-iisip si Juan.
  • Sa huli, si Juan ay nagsisi at umiyak nang husto. Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang kaniyang anyo. Siya ay naging isang maliit ng hayop na may buntot na tinatawag na butiki, ang kauna-unahang butiki sa daigdig. Nakita ni Juan sa malayo si Helena na naging isang engkanto na labis na natutuwa. Maraming kulisap ang napagawi sa kaniyang kinalulugaran na agad namang pinagkakain ni Juan.
Mais de 30 milhões de storyboards criados