Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

PANGYAYARI SA AKING BUHAY NA NAPAGTAGUMPAYAN

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
PANGYAYARI SA AKING BUHAY NA NAPAGTAGUMPAYAN
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Walang anuman aking kapatid maganda iyan habang bata ka pa ay natututo ka nang kumita ng pera at para kay nanay naman ito.
  • Maari ba akong manungkulang sa iyong negosyo? Sapagkat ako ay nag-iipon upang makabili ng regalo kay nanay.
  • Ako ay nasa aking kwarto at napapaisip kung paano makaka-ipon ng pera upang pambili ng regalo dahil nalalapit na ang kaarawan ng aking ina. Naaala ko palagi ang mga sakripisyo ng aking ina sa gitna ng pandemic na ito. Nagagawa niya parin kaming buhayin sa araw-araw kahit na mahirap ang buhay. Kaya gusto kong ito suklian ang mga hirap niya sa araw ng kanyang kaarawan.
  • Sa wakas! Mabibili ko na ang regalo. Sana ito ay magustuhan ni nanay.
  • Habang ako ay papalakad papunta sa aming kusina, nakita ko ang aking kapatid na may negosyo noong araw na iyon. Naisip ko na bakit hindi nalang ako sa kanya magtrabaho pansamantala upang magkaroon ng sapat na pera at para na rin makatulong sakanya.
  • Maraming salamat anak!
  • Para sa iyo nanay. Maligayang kaarawan po. Sana ay ito'y iyong magustuhan.
  • Noong dumating na ang itinakdang araw upang simulan ito. Hindi ako nag aksaya ng aking oras at ginampanan ko na aking tungkulin. Ako ay nagbabalot at ang aking ate naman ang namamahala sa mga orders, Hanggang sa lumipas ang mga araw, nakuha ko na ang aking sweldo at hanggang sa maka-ipon at makuha ang sapat na halaga upang pambili.
  • Lumabas ako sa aming bahay at dali-daling pumunta sa mall upang bilhin ang ireregalo sa aking ina. Habang naglalakad ako hindi ko na namamalayan na ako ay napapangiti tuwing naiisip ko na malapit ko nang mapasaya ang aking ina sa araw ng kanyang kaarawan dahil sa munting regalo. Sa aking palagay, kapag tuwing napapasaya ko ang aking ina ay nagtatagumpay na akong gampanan ang aking tungkulin bilang anak para sakanya.
  • Ito na ang araw ng kaarawan ng aking ina. Kaya naman pagsapit ng umaga ay pumunta ako sa kwarto ng aking ina at ginising ito sa pagkakatulog upang ibigay ang aking regalo. Di ako makapaniwala sa aking nakita, dahil naiyak ang aking ina sa tuwa dahil sa ibinigay ko sakanya dahil ang regalo na ito ay isa sa mga pangarap niya. Ako naman ay pinipigil ang iyak dahil sa tuwa na makita ang aking ina na may ngiti sa mga labi.
  • Pagkatapos ko itong ibigay sa aking ina, dali dali akong pumunta sa aking kwarto sapagkat hindi ko na mapigilan ang tuwa na nararamdaman dahil napagtagumpayan ko na mapasaya ang aking ina na nagsakripisyo at nagpakahirap sa amin ng aming magkapatid lalo na't ngayon na nasa pandemya ang ating bansa. At ang mapasaya ang aking ina sa kanyang kaarawan ay itinuturing kong isang tagumpay sa aking buhay na hinding hindi ko malilimutan kailanman.
Mais de 30 milhões de storyboards criados