Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

Ang Alamat ng Salamin

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
Ang Alamat ng Salamin
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Iho ano ang iyong pangalan.
  • May pamilya ka ba iho?
  • Hindi ko po alam.
  • Wala po akong pamilya
  • Isang araw sa isang bayan ng Marikina, may isang bata na inabanduna at siya ay punong-puno ng pangarap ngunit para sa kanya ay malabo ito mangyari dahil wala siyang pera pang-aral.
  • Iho gusto mo ba sumama saamin?.
  • Sige po.
  • Isang araw may mag-asawang nag-ngangalang Sala at Min at sila ay may tatlong anak na nag-ngangalang sina Kuwadro, Tornilyo at si Goma. Ang kanilang pamilya ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa tao.
  • Isang hapon nakita nila ang batang ito na pagala-gala sa kalsada, nilapitan nila ito at may mga tinanong. “Iho ano ang iyong pangalan” sabi ng mag-asawa, ang sagot ng bata ay “Hindi ko po alam”. Tinanong din ng mag-asawa kung ang bata ay may pamilya sabi ng bata "wala po akong pamilya".
  • Nag-usap ang mag-asawa at naisip nila na ampunin ang bata dahil ang kanilang tatlong anak ay nangibang-bansa. Tinanong ng mag-asawa kung gusto ng bata na sumama sa kanila. Ang bata ay pumayag na sumama sa mag-asawa. Pag-dating nila sa bahay, tinanong nila ang bata kung okay lang ba na pangalanan siya ng Salamin at pumayag naman ang bata at kitang kita sa mukha ni Salamin na sobrang saya at dito na nila inalok nila ang bata kung gusto niya mag-aral, hindi nag-dalawang-isip ang bata at sumagot ng "Opo".
  • Kinabukasan nag-hanap ang mag-asawa ng eskwelahan para kay Salamin at agad naman nag-simula ang pag-aaral niya. Hindi sinayang ang pagkakataon na binigyan siya na makapag-aral. Walang araw na hindi nag-aral si Salamin, dahil sa kanyang kasipagan naitapos niya ang kaniyang pag-aaral bilang cum-laude. Naghanap siya agad ng trabaho, sa kabutihang palad natanggap siya agad at pinag-umpisa siya ng kompanyang pinasukan niya.
  • Dahil sa kanila Sala at Min, natupad ni Salamin ang kaniyang munting pangarap na dati ay malabo ngayon ay malinaw na.
Mais de 30 milhões de storyboards criados