Sinulat ni: Charlene P. AntonioIginuhit ni: Charlene P. Antonio
Naku! Akalain Mo!
Nakaugalian na ng pamilya ni Maricar na pinaghihiwalay ang mga nabubulok na basura sa di-nabubulok nabasura. Isang araw, nagtataka si Maricar kung bakit nangungulekta si Aling Marites ng mga nabubulok na basura kapalit ng limang piso. Kaya naman tinanong niya agad ito.
Halika, sumama ka sa akin at ituturo ko s aiyo kungpaano gumawa ng abonong organiko at makikita mo na ang mga basurang ito ay mapapakinabangan pa.
Naku! Alam mo bang malaking tulong ito sa aking mga halaman. Ginagawa koitong organikong abono o pataba.
Aling Marites, aanhin niyo po ba ang mga nabubulok nabasurang iyan?
Paano po yan nagiging pataba eh basura nga diba? Pag basura, wala ngpakinabang at itatapon na lang.
Kaya naman, dali-daling sumama si Maricar kay Aling Marites. Pagkarating sa bahay, inihanda agad ni Aling Marites ang mgakakailanganin sa paggawa ng abonong organiko.
Ang ipapakita ko sa iyo ngayon ang pamamaraan sapaggawa ng basket composting. Isa itong uri ng paggawa ng abonong organiko.
Pangatlo, Lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw- araw upang maging mabilis ang pagkabulok . Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong uring pantakip upang hindi langawin at pamahayan ng anumang uri ng peste. Haluin ding mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng dalawang buwan o higit paay maari nang gamiting pataba.
Narito pa ang mga nagawako na at handa na itong gamiting organikong abono sa aking mga halaman.
Naku! Akalain mong mapapakinabangan pa pala ang mga basurang ito. Nakatulong kana sakalikasan, kumikita ka pa at nagpapalusog pa ng mga itinanim.