Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

Ang kwintas

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
Ang kwintas
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Si Mathilde ay isang magandang babae na nakapangasawa ng isang mannunulat. Isang gabi ay dumating ang kanyang asawa at sinabing inanyayahan silang dumalo sa kasiyahang iyon. Ngunit hindi natuwa si Mathilde doon kaya ibinigay na lamang ni G. Loisel ang apat na raang prangko para sa bestida ni Mathilde.
  • Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang iyan. Ipamigay mo na lang ang paanyaya sa isa mong kasamahan na may nakahandang damit na isusuot ang asawa
  • Mahal, akala ko'y ikatutuwa mo ang pagkakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang na malibang ka.
  • Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Mahtilde. Ipinagtapat niya rito ang kaniyang problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at kinuha mula rito ang isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang kaibigan
  • Aba, mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo.
  • Naku, maraming salamat dito ha. Kaibigan talaga kita.
  • Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya, at sa pagiging kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw sa puso ang kaligayahan.Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame Loisel.
  • Ang ganda naman niyan! Saan mo nakuha?
  • Salamat!
  • Oo nga napakaganda mo talaga! Ngayon lang kita nakita.
  • Pagkauwi nila ay saka lamang napansin ni Mathilde na nawawala ang kanyang kwintas na ipinahiram ni Madame Forestier. Hinanap nila ito hanggang sa mag-umaga na. Ngunit wala silang nahanap.
  • Oo, natitiyak ko, nahipo ko pa nang nasa pasilyo ako ng palasyo.Kung iyon naman ay sa daan nawala ay di narinig sana natin ang lagapak. May palagay akong nawala sa dokar
  • Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo nang umalis tayo sa sayawan?
  • Sila ay nabaon sa utang at namuhay ng mahirap sa kadahilanang kailangan nilang mapalitan ang kwintas na iyon.Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain. Nanatiling mahirap ang kanilang buhay sa loob ng sampung taon.
  • Isang araw ng Linggo, si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina. Saka lang niya nalaman na ang kwintas na ipinahiram sa kanya ay isang imitasyon lamang.
  • O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko
Mais de 30 milhões de storyboards criados