Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

Unknown Story

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Nanonood ng balita si Susan sa YouTube nang maantala siya dahil tumawag ang kaniyang 'kaibigan' na si Ester...
  • Hello, Susan! Mamasyal ang buong barkada sa mall bukas tutal wala namang pasok kinabukasan! Sumama ka, ah?
  • Hindi ko alam kung makakasama ako, Ester. Pinagbabawalan kasi ni Inay sa paglabas ng bahay.
  • ANO BA NAMAN IYAN, SUSAN! MATANDA KA NAMAN NA AH?! SUMAMA KA SA AMIN, KUNG HINDI AY ITITIWALAG KA NAMIN SA GRUPO!
  • Naguluhan naman siya sa kung ano ang gagawin. Ngunit sa ilang minutong pag-iisip ay napagpasyahan niya na kumilos nang mapanagutan at makatao. Kung aalis siya ng bahay, maaaring makakuha pa siya ng virus at mahawa pa ang kaniyang ama't ina , lalo na ang nakababatang kapatid na may hika. Alam niyang kailangan niyang isaalang-alang ang kabutihang panlahat.
  • Anong gagawin ko? Kailangan kong pumunta dahil tatanggalin nila ako sa barkada kapag hindi. Kaso lang, ayaw ko rin naman suwayin si Inay. Hindi... Kailangan kong sumunod kay Inay dahil totoo ang sinasabi niya.
  • Maraming kaso ng Covid sa bansa at dapat ay sumunod na lang ako sa patakaran at lumabas lang kapag kinakailangan, at tsaka ang tunay na mga kaibigan ay hindi dapat ako pinipilit at bina-blackmail ng ganito...
  • GANON?! SIGE, BUMALIK KA NA LANG DOON SA IBA MONG MGA KAIBIGAN NA PURO PAG-AARAL NA LANG ANG INATUPAG! MGA NERD!
  • Matagal na rin nagdadalawang-isip si Susan sa kaniyang barkada. Ngayon ay naliwanagan na siya na kailangan na niyang pumili ng mga taong karapat-dapat na kaibiganin. Mas masaya talagang kasama sina Alex at Andrea dahil alam ni Susan na naging mabuti silang ehemplo rito.
  • Salamat sa alok, ngunit hindi talaga ako makakapunta. Kailangan kong mag-ingat lalo na't nandyan pa rin ang virus.
  • Hay... Sinasabi ko na nga ba na aabot rin kami sa puntong ito...
  • Bumaba si Susan sa kusina upang tulungan ang kaniyang ina na magluto.
  • Sige po, Inay. Pabortio kasi iyon ni Kyle. Ang batang iyon ay nagiging matakaw kapag iyon ang ulam.
  • Mabuti na lang, Susan at isa kang mabuting anak. Gusto mo bang magluto ng Menudo ngayon?
  • Minabuti ni Susan na gumawa na lamang ng makabuluhang mga bagay. Natutunan niyang maging mapanagutan sa kaniyang mga desisyon at natutunan niya ring mag-isip para sa ikabubuti ng lahat
  • Imbis na mamasyal, mananatili na lang ako rito sa bahay at tumulong. Babawi nga pala ako kina Alex at Andrea.
  • Sige po, ilalabas ko na iyong karne sa freezer.
  • Hay nako, anak, sinabi mo pa! Hahaha! Oh siya sige na, ihahanda ko na iyong mga sakap.
Mais de 30 milhões de storyboards criados