Procurar
  • Procurar
  • Meus Storyboards

Unknown Story

Criar um Storyboard
Copie este storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Crie seu próprio storyboard

Experimente gratuitamente!

Texto do Storyboard

  • Tahimik na namumuhay sa masagana at payapa na lupain nang Tahiti ang mag asawang si Haumea ang diyosa nang makalumang kalupaan at Kane Milohai ang diyos nang kalangitan kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak na lalake.
  • Sa pamamagitan nang paglalaro nang apoy ni pele ay aksidenteniyang nasunog ang buong lugar lupain nang Tahiti. Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas sa poot ni Namaka. Hanggang sa dumating ang panahon napisa mula sa itlog si Hi'iaka na pinaka iniingatan ni Pele atitinuring na diyosa nang hula at ng mga mananayaw.
  • HINDI AKO MAGPAPATALO!!
  • Nakahanap din sila ng isang ligtas na lugar sa pamilya niya na ang Mauna Loa, ang pinakamataas na bundok. Subalit hindi basta sumuko si Namaka, pinilit niyang pinaabot ang mga alon na pinakawalan niya sa tuktok ng bundok pero hindi rin nagpatalo si Pele. Sa huli ay nanalo si Namaka at namatay si Pele pero ang kanyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong bagunhin ang kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya.
  • SUMUKO KA NA!!
  • Si Pele ay pumasyal sa paligid ng bulkan at nakita niya ang makisig na binata na si Ohi'a na sinubukan niyang akitin pero si Pele ay buong galang na tinanggihan niya dahil may kabiyak na siya. Nakita ni Pele si Lehua at ang pagyayakap nila at si Pele ay nagselos. Sa tinding galit ni Pele ay natamaan niya ng apoy si Ohi'a at siya'y naging isang sunog na puno. Nakita ito ni Lehua at walang tigil siya lumuha sa puno at kay Pele. Lumambot ang puso ni Pele at ginampanan niya ang kahilingan ni Lehua na gawin siyang bulaklak para magsama sila ng kabiyak niya.
  • Tutuparin ko ang iyong kahilingan na ika'y maging halaman. Pasensiya na.
  • Buhayin mo ang asawa ko o gawin mo akong isang halaman para makasama ko siya parang awa mo na Pele!
  • Si Pele ay inutusan si Hi'iaka na sunduin ang kanyang kasintahang si Lohi'au at pumayag si Hi'iaka sa isang kondisyon na alagaan ni Pele ang kanyang hardin. Napakarami ang halimaw at mga panganib ang daraanan ni Hi'iaka at napatagal ang kanyang paglakbay. Apatnapung araw na ang lumipas at hindi mapakali si Pele sa tagal ni Hi'iaka.Kung ano-ano na ang naisip niya at inakala niya na baka inakit ni Hi'iaka si Lohi'au. Sa tinding selos ay sumabog ang lava sa bulkan at nasunog niya ang hardin. Si Lohi'au ay namatay dahil sa dumaloy na lava mula sa sumabog na bulkan.
  • NASAAN NA KAYO HI'IAKA, LOHI'AU??!!
  • Napagtanto ni Hi'iaka na mahal na mahal pala niya si Lohi'au nung namatay siya. Humingi ng tulong at nagpakiusap si Hi'iaka sa kanyang kuya na si Kane-milo na kunin ang kaluluwa ni Lohi'au sa kailaliman ng lupa at ibinalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-lupa. Sa huli ay pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal niyang kapatid at hinayaan sila Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. Bilang pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal ni Pele sa kanyang kapatid, ang masaganang pagsibol at pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay ang kagagawan ni Pele.
Mais de 30 milhões de storyboards criados